Monday, August 16, 2010

Wednesday, June 16, 2010



....dito lang ako satabi nyo... kahit ganito ako. kahit parang laging kwenta at walang ginagawa.  dito lang akohandang maging superhero ng buhay nyo.... para sa inyong mga kaibigan ko, nandito lang ako sa tabi nyo...

....si jral.....XP

Saturday, May 22, 2010

prinsesa(pepeng torpe version: princess chin-chin(T_T))

Nakaupo s'ya sa isang madilim na sulok
(si rochene ang madalas katbi si sayree tsaka si aldie, ang cute nga nila tingnan eh...parang hagdanan pag nakatayo, si aldie, si sayree, tas si chene..heheheXP peace)
Ewan ko ba kung bakit sa libu-libong babaing nandoon
Wala pang isang minuto
Nahulog na ang loob ko sa 'yo. 

( sino ba naman yung hindi magiging kalapit nyan eh, ang kulit kaya nyan, kaso medyo kalog din kung minsan)
Gusto ko sanang marinig ang tinig mo
Umasa na rin na sana'y mahawakan ko ang palad mo
Gusto ko sanang lumapit
Kung di lang sa lalaking kayakap mo, ho o-o-oh. 

( 'chene tagal din natin natahimik ahh... bakit nga ba?, ewan ko rin...XP)
Dalhin mo ako sa iyong palasyo
Maglakad tayo sa hardin ng yong kaharian
Wala man akong pag-aari
Pangako kong habangbuhay kitang pagsisilbihan
O aking prinsesa ha-a-ah, prinsesa
Prinsesa, prinsesa.

(apir 'chene... walang limutan di ba?, sige lang kalimutan mo ko,,, okay lng naman ehhh... di naman ako masasaktan,,, di naman ako mag-e-emo araw-araw,, okay lang talaga chene!!! hehehe)
Di ako makatulog
Naisip ko ang ningning ng yong mata

Nasa isip kita buong umaga buong magdamag
Sana'y parati kang tanaw
O ang sakit isipin ito'y isang panaginip
Panaginip lang.

( apir chene)

Friday, May 21, 2010

para sa inyo:part ll

friday, may 21, 2010, 8:37 pm(di maka move on eh)

nasa bahay na ako pero nakikita ko pa rin ung sarili ko na kasama si des, aldie, carpal,kamile,rico, melvin, raf tsaka 'chene. nasa bahay na ko pero parang gusto pa rin ng mga paa ko na bumalik sa pup. gabi na pero parang gusto ko pa rin na ibalik yung mga oras simula alas-diyes ng umaga hanggang alas-kwatro y medya ng hapon. bakasyon na pero sabi ng isip ko sana may pasok pa rin bukas , sa isang araw, sa makalawa, sa martes, sa miyerkules,sa huwebes, sa biyernes, sa sabado, sa susunod na linggo, sana di nalang matapos yung summer classes ng pordee. pasensya na sa mga gusto nang magbakasyon, sorry naman kung selfish ako, sorry naman kung emo ako, S01212y nHaMAn qun6 JEjeMhoN aq DhahIL 6us2 KHO khauh PaHeerhaPaHn na BhaSahEEn tho. sorry kay tita kung ginamit ko ung binebenta nya na ballpen. sorry naman sa mga mata ko kung pinapahirapan kayo sa pag-iyak dahil sa nararamdaman ng puso ko. sorry naman sa papel na pinagsulatan ko ng draft nito dahil nababasa ko kayo ng pasmado kong kamay at pumapatak na luha(ui, napaluha lang ako huh,habang sinusulat ko to...hindi sobra yung iyak...sinobrahan ko lang yung description sa taas para mas madramaXP). sorry naman kung ngayon lang yung kaputol nung post ko na "para sa inyo". halata naman na kaputol ito nun di ba?(post tittle: para sa inyo:part ll)

ui. melvin, capal,raf,des..ui 'chene*apit*... uhmmm... mga utol ko, sa college of communication, si melvin , si des tsaka si chene sa BBF... lapit lang pala eh, walang dahilan para di magkita-kita(ui ngayon lang ako nag demand sa inyo...pagbigyan nyo nako)... mga burad ko, utol carpal tsaka raf... nagsimula sa internet, napunta sa RO, naadik sa cabal(ako lang ata..hehehe), sinubukan mag dota, nagsulat ng blog, ginawang balwarte yung volume 10, higit sa lahat naging tunay na mag-uutol, nagtulungan, nagkantyawan, nagkopyahanXP... IKASA NYO MGA "TOL!!!! ui melvin, bibili din aq nung sin train(anong page nung kay chene?XPpeace chene).. ui des...tsk,tsk, si des ohhh... wala na kayo sa likuran ko tuwing may klase, wala nako kakulitan... basta des fifth floor lang kung bibigyan mo ulit ako ng snikers, pakihanap na lang nung room...(joke lang des, ako pala punta senyo... lakas mo saken ehhh...)... Ui chene*apir*, rochene na-miss talagah kita ...namiss ko talagah makipag-usap sayo*apir*...promise di mo kami masasapak ni rusty...*apir* ui saten lang dalawa to huh, lagot ka saken kapag tinuro mo toh sa iba...XP...hehe.... mah...maha....mahal...maha... mahal nung shifting form noh..100. parang xerox lang naman....hehehe...*apir*

siguro nga di na tayo magkakasama sa bsa. siguro nga wala na tayo sa loob ng isang kahon na may bintana, may pintuan,may blackboard,may chalk, may eraser, may table, may mga silya, may silya na may nakasulat sa arm na "HERE SITS THE LORD!"(paborito kong silya sa w502), may alikabok, may kalat, may isang ceiling fan, may gusot na worksheet sa sulok... pero mga "LALABS" ko, iisa parin naman yung college natin, iisang course, iisang section, "KOLEHIYO NG BUHAY, DEPARTAMENTO NG TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN, SECTION 4EVER NA PORDEE"...hehehe.. (baduy ba? sorry naman...hehehe... pagbigyan nyo nako!!!XP)

labyou mga burad(di ako bading hah), Labyou des, loveyou chene*apir!*

-jralT_T-

para sa inyo

friday, may 21, 2010, 3:15 pm sinulat ko ang post na ito.

katabi ko si aldie sa kaliwa ko tapos si rochene at des naman ay magkatabi, kaso si ate epal kaya un napahiwalay sila samen ni aldie(peace ateXP). weeew! unang beses ko sila kasama mag-pc ngaun. sana wag nalang matapos ang araw na'to.. hindi dahil sa sobrang adik ako sa pagp-pc,, kundi dahil kasama ko sila, si des, si 'chene.(tsaka nga pala si utol raf, kaso sa ibang shop sya ehXP). parang ang hirap tapusin ng araw na to ahh dahil simula sa araw na to, di ko na ganun kadalas makikita si des tsaka si 'chene. di ko na sila makikita kapag lumilingon ako sa likod kapag may klase. di ko na makukulit si des... Xp, di ko na makakakantyawan ung dalawa kong utol na si raf tsaka si carpal..., di ko na matititigan si chene....XP

pero ganun lang talagah siguro, parte lng talagah siguro ng pagkakaibigan ung minsan magkahiwa-hiwalay... kailangan muna magpaalam ng pansamantala. pero sigurado naman ako na pansamantala lng un eh,,,hehehe,, sige lang magkalimutan lang baka pasabugin ko ung buong pup(e=mc2= mass destruction...hahahaha)XP...

haiyyy, buhay... workSHEEEET!!!!.. weeew. di ko to gusto nararamdaman ko ngaun ahh... naiiyak na ko... peo dapat wag pahalata....(T_T)... ma miss ko talagah kau,,, haiyyy... mahal ko kau!!!!(sandara wave)... si des, ohh..hehehe,,, 'chene apir nga!!! APir!!!...

nga pala... di naman kayo mahirap hanapin ehhh,,, kaya ok lng,,,

...dito naman kayo lagi sa puso tsaka isp ko ehhh,,, di kayo mawawala,,, di ba 'chene???,,hehehe,

...mahal ko talaga kayo ohhh.. tingnan nyo pa puso ko...

-jral-

Monday, April 19, 2010

Mga kwentong Bahay ni Juan

Ang mga sumusunod na paksa ay para kay juan. Marapat lamang na takpan ang isa ninyong tenge para tumiim ang mga maririnig at mababasa sa inyong isip at hindi na makalabas pa....

Pero teka! Sino g ba si juan? Ikaw ba si juan? Kung hindi ka si juan, kilala mo ba si juan? JUAN DELA CRUZ ang buo nyang pangalan. Kilala mo ba sya? At nasaan na si juan? Sandali ang, eh ako si juan eh, at tanggap ko un. Di ba't ikaw rin si juan? Teka ang gulo na ata ahh... nawawala na ba si juan dela cruz?

Sa isang taon ko nang pagiging pobreng juan sa kolehiyo at sa isang taon kong pakikipagpaligsahan kung sino ang may mas mga basang kili-kili , sa pakikipagsiksikan sa lrt papasok at pauwi, sa palagay koy nakita ko na ang ibat ibang mukha ni juan. May batang juan, si juan na teenager, si nanay at tatay na juan, si juan na tambay, at ang pinaka- kapansin-pansin sa lahat ( sa baihin na nating masakit sa mata, sa tingin ko), si juang tinatatwa na sya si juan.

BATANG JUAN
-sa tuwing makakakita ako ng batang juan nakakagigil ang kanilang kakyutan(kichu,kichu,kichu). Pero kapag napapatingin ako ng bintana ng siksikan at umaasbok sa amoy na lrt eh naaawa ako sa mga juang ito. May bukas pa ba silang tatanawin sa lipunang ito . KUng meron man , mas maayos na ba ito kesa ngayon o bukas na sila'y nakatingala't nakanganga, humihinga pa kaya sila?

TEENAGER NA JUAN
-ayon kay Dr. Jose Protac(th)io Riz(th)al Mercado y Alonz(th)o Realonda( ang c at z na ang kasunod ay mga vowel letters ay binibigkas na th sa espanyol ayon sa prof ng pordie sa rizal, si Mr. Pure Energy. Kung nabasa nyo una ko post kilala nyo na sya) "ang kabataan ang pag asa ng bayan. Pero sa tingin ko, dahil ka tropa ko sila at iisa ang trip namin(trip ko isulat to kaya kung matamaan ka man at magkabukol, Tip lang mga tol walang peersonalan. Walang basagan ng trip mga dude!). nakakalamang ang posibilidad na talagang hanggang adhika nalng talagah to, at mabibigo ang adhika ni tukayo(tama rizal din ang pangalan ko, iwan ko ba sa lola ko at sa damin pangalan eh ito pa, peo ok na din,salamat na din sa lola ko). Malungkot man aminin tuluyan nang naalipin ng western culture ang mga kabataang 'alipinos na ito, este pilipino pala!

NANAY TA TATAY NA JUAN
-meron pa bang nanay ta tatay na juan dito sa Pinas? Eh tingin ko , halos naubos na sila eh. Kung hindi nakalipad na sa ibang bansa eh ang isip ang lumilipad papunta don. Halos lahat nangibang bayan na. Sabi nga nila nanay at tatay, nasa abroad ang pera. Pero pera nga lang ba? Bakit sa tuwing umuwi sila, bukod sa mga pinaghirapang pera eh may baon din silang ube at blackeye sa mata? Bagong fashion statement ba ito dun sa pinanggalingan nilang bansa?...tsk,tsk,tsk... Bayani ba talagah sila ng makabagong panahon o bagong racket lng sila ng mga buwayang juan para mabusog. May buwayang juan pa nga pala peo hindi sial sumasakay ng lrt kasabay ko, sakay sila ng mga magagarang kotse bunga ng kanilang "super powers", meron silang super sa kating mga kamay.

MGA TAMBAY NA JUAN
- sila ung mga juan na nakasando, naka-short kung hidi man eh nakahubad-baro sa kalye oh di kaya sa tapat ng tindahan ni aling nena na kung hindi naglalaro ng chess, dama o kaya eh cara y cruz ay nagpapayabangan ng kanya-kanyang mga pabigat na buhay sa kanilang mga magualng. Tama, sila yung mga juan na walang trabaho oh di kaya lango sa droga. Sila yung mga juan na sanay malaking tulong sa bansa subalit sa halip ay nagpapasikip ng kalye at nakakabawas sa kita at benta ng tindahan ni aling nena. Makakabili ka pa kaya kung ang nasa harapan mo eh mga tamaby na goons na kalaban ni Fernando poe sa pelikula. Tingin ko sa ibang tindahan ka na ln bibili...

AT SI JUAN NA PINAGPIPILITANG HINDI SYA SI JUAN
-itong si juan na ito talagah ang ksp sa paningin ko. Paulit-ulit nya kasing pinagsisigawan at pinagpipilitang hindi sya si juan kahit kitang kita naman ang ebedensya mula sa kanyang kiulot na buhok, kulay ng balat at tumatagong mga ilong walang duda sya si juan. Pilipitin mo man ang dila mo sa pag-i-ingles, amoy pa rin sa hininga mo ang patis at bagoong. Maglakad ka man ng ibang iba, mag-iiwan pa rin ng bakas ang mga paa mong walang ibang may-ari kundi ikaw, si JUAN!!!!

Ano na bang problema ng henerasyong ito? Bakit nga bang kailangan itago ang pagiging juan? MAy problema ba sa pagiging juan? hindi nyo ba kayang ipagsigawan sa mundo o khit ibulong nyo na lng sa mga sarili nyo na "AKO, AKO MISMO SI JUAN DELA CRUZ, PILIPINO AKO AT AKO ANG PERLAS NG SILANGAN!!!?"

Yan ang problema nating mga juan eh, kulang tayo sa pagmamahal at pagmamaliki sa sarili nating lahi. Hindi bibilib satin sina sam at joe kung tayo mismo di bilib sa pagiging juan natin.

" Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino,
Taas noo kahit kanino ,
Ang PILIPINO ay AKO....."


-jral-

Wednesday, April 7, 2010




Simula na ng summer classes ng pordee, at sa apat na wing ng pup main building ehh, sa west pakami napunta...tsk,tsk...samyong samyo mo ang amoy ng pasig dahil sa sandamukal na naglalanyuyang mga basura na kung tatalon ka dito eh sigurang patay ka hindi dahil sa pagkalunod kundi dahil sa milyong milyon germs at bacteria na papasukin ang katawan mo at tatalunin ang hukbo mo ng mga good bacteria sa katawan ...bwahahaha...

Pero kung tutuusin tayo pang tao ang dapat sisihin ng pasig dahil tayo ang sumira sa tubig at buhay ng pasig...tsk,tsk...tapon dito tapon doon...haiyy ang tao nga naman...

Pero teka,wait...

Kwento nga pala ng pordee ung ikukwento ko, at hindi ung galit at tampo ng pasig...bwahaha.. pero okay na din...haha.."bato-bato sa langit ang tamaan ay siguradong bukol ang abot mo!"...

Ito na talagah ung simula... W502 ang bagong room ng pordee..pero wala ring pinagbago... butas na bintana, mga sirang upuan at higit sa lahat eh iisa ang electric fan... tamang tama sa schedule ng klase ng pordee...12:00 noon hanggang 4:30 ng hapon...ang INIT!!!!!...weeew...

KLAS NO.1
RIZAL
PROF:MR. PURE ENERGY( pero hindi sya si garry V.)

-kung may sakit ka sa puso pinapayo ko sayo na umiwas sa klase nya..hahaha (pero magaling na prof to..sa tingin ko...promise)dahil siguradong madadala ka ng dating ng energy nya...tingin ko nga bote-botelya ng enervon ang tinutungga nya araw-araw...kaapo-apuhan ata to ni bonifacio dahil sa sobrang makabayan...at sa unang inkwentro namin..."gaano nyo kakilala si rizal bukod sa kanyang pagiging pambansang bayani?"...hahaha...buti na lng di ko sinulat sa papel na ako si rizal...(hahaha)... panong hindi ko sya makikilala....

KLAS NO.2
PHILOSOPHY WITH LOGIC AND CRITICAL REASONING
PROF:MR> PILOSOPO TASYO( literal yan )

-tanggal ang init sa katawan mo dahil sa kanya...kung hindi ka ba naman mahanginan sa kakatawa ng katabi mo eh(at pasukan ng hangin sa tyan) dahil sa mga joke nya eh...pero bukod sa joke... siguradong matututo ka ng maraming bagay sa kanya...hindi lng tungkol sa subject nya kundi maging sa kung anik-anik sa buhay.."he's the man"...hahaha...

Monday, April 5, 2010





...sus...puso nga naman ohh...tsk,tsk...khit ilang beses mong saktan...iibig at iibig pa rin, at take note...sa parehong tao rin na nanakit sa kanya...

Monday, March 22, 2010

"Broken hearts are never healed. They haunt us for a lifetime even if we find someone else. Our past teaches us lessons that make us more aware and more human. Why then do we feel so hurt knowing it can only get better? "

.....bakit nga ba ang puso pagdating sa pag_ibig eh, parang may photographic memory.....parang semento na kapag inukitan mo mahirap nang burahin ang nakaukit.....at kapag nasaktan parang plastic na basura ang sakit bago mawala at malusaw.....parang papaya na konting hiwa lang cguradong lalabas na agad ang dagta.....parang quotes sa cellphone na paulit-ulit pero aminin mo na kapag narinig mo ay paulit-ulit ka ring kinikilig.....yung tipong 100 beses mo na narinig papakinggan mo pa rin at susundin.....at ito pa ang masakit at hindi ko maintindihan kapag umibig kadalasan dun sa taong ayaw sayo.....tsk..tsk..tsk.. talagah naman oh...

....pero ang puso kapag pumili, tapat,...wagas...sigurado....kapag umibig magpapakatanga para lang sa taong minamahal....

-jral-