Ang mga sumusunod na paksa ay para kay juan. Marapat lamang na takpan ang isa ninyong tenge para tumiim ang mga maririnig at mababasa sa inyong isip at hindi na makalabas pa....
Pero teka! Sino g ba si juan? Ikaw ba si juan? Kung hindi ka si juan, kilala mo ba si juan? JUAN DELA CRUZ ang buo nyang pangalan. Kilala mo ba sya? At nasaan na si juan? Sandali ang, eh ako si juan eh, at tanggap ko un. Di ba't ikaw rin si juan? Teka ang gulo na ata ahh... nawawala na ba si juan dela cruz?
Sa isang taon ko nang pagiging pobreng juan sa kolehiyo at sa isang taon kong pakikipagpaligsahan kung sino ang may mas mga basang kili-kili , sa pakikipagsiksikan sa lrt papasok at pauwi, sa palagay koy nakita ko na ang ibat ibang mukha ni juan. May batang juan, si juan na teenager, si nanay at tatay na juan, si juan na tambay, at ang pinaka- kapansin-pansin sa lahat ( sa baihin na nating masakit sa mata, sa tingin ko), si juang tinatatwa na sya si juan.
BATANG JUAN
-sa tuwing makakakita ako ng batang juan nakakagigil ang kanilang kakyutan(kichu,kichu,kichu). Pero kapag napapatingin ako ng bintana ng siksikan at umaasbok sa amoy na lrt eh naaawa ako sa mga juang ito. May bukas pa ba silang tatanawin sa lipunang ito . KUng meron man , mas maayos na ba ito kesa ngayon o bukas na sila'y nakatingala't nakanganga, humihinga pa kaya sila?
TEENAGER NA JUAN
-ayon kay Dr. Jose Protac(th)io Riz(th)al Mercado y Alonz(th)o Realonda( ang c at z na ang kasunod ay mga vowel letters ay binibigkas na th sa espanyol ayon sa prof ng pordie sa rizal, si Mr. Pure Energy. Kung nabasa nyo una ko post kilala nyo na sya) "ang kabataan ang pag asa ng bayan. Pero sa tingin ko, dahil ka tropa ko sila at iisa ang trip namin(trip ko isulat to kaya kung matamaan ka man at magkabukol, Tip lang mga tol walang peersonalan. Walang basagan ng trip mga dude!). nakakalamang ang posibilidad na talagang hanggang adhika nalng talagah to, at mabibigo ang adhika ni tukayo(tama rizal din ang pangalan ko, iwan ko ba sa lola ko at sa damin pangalan eh ito pa, peo ok na din,salamat na din sa lola ko). Malungkot man aminin tuluyan nang naalipin ng western culture ang mga kabataang 'alipinos na ito, este pilipino pala!
NANAY TA TATAY NA JUAN
-meron pa bang nanay ta tatay na juan dito sa Pinas? Eh tingin ko , halos naubos na sila eh. Kung hindi nakalipad na sa ibang bansa eh ang isip ang lumilipad papunta don. Halos lahat nangibang bayan na. Sabi nga nila nanay at tatay, nasa abroad ang pera. Pero pera nga lang ba? Bakit sa tuwing umuwi sila, bukod sa mga pinaghirapang pera eh may baon din silang ube at blackeye sa mata? Bagong fashion statement ba ito dun sa pinanggalingan nilang bansa?...tsk,tsk,tsk... Bayani ba talagah sila ng makabagong panahon o bagong racket lng sila ng mga buwayang juan para mabusog. May buwayang juan pa nga pala peo hindi sial sumasakay ng lrt kasabay ko, sakay sila ng mga magagarang kotse bunga ng kanilang "super powers", meron silang super sa kating mga kamay.
MGA TAMBAY NA JUAN
- sila ung mga juan na nakasando, naka-short kung hidi man eh nakahubad-baro sa kalye oh di kaya sa tapat ng tindahan ni aling nena na kung hindi naglalaro ng chess, dama o kaya eh cara y cruz ay nagpapayabangan ng kanya-kanyang mga pabigat na buhay sa kanilang mga magualng. Tama, sila yung mga juan na walang trabaho oh di kaya lango sa droga. Sila yung mga juan na sanay malaking tulong sa bansa subalit sa halip ay nagpapasikip ng kalye at nakakabawas sa kita at benta ng tindahan ni aling nena. Makakabili ka pa kaya kung ang nasa harapan mo eh mga tamaby na goons na kalaban ni Fernando poe sa pelikula. Tingin ko sa ibang tindahan ka na ln bibili...
AT SI JUAN NA PINAGPIPILITANG HINDI SYA SI JUAN
-itong si juan na ito talagah ang ksp sa paningin ko. Paulit-ulit nya kasing pinagsisigawan at pinagpipilitang hindi sya si juan kahit kitang kita naman ang ebedensya mula sa kanyang kiulot na buhok, kulay ng balat at tumatagong mga ilong walang duda sya si juan. Pilipitin mo man ang dila mo sa pag-i-ingles, amoy pa rin sa hininga mo ang patis at bagoong. Maglakad ka man ng ibang iba, mag-iiwan pa rin ng bakas ang mga paa mong walang ibang may-ari kundi ikaw, si JUAN!!!!
Ano na bang problema ng henerasyong ito? Bakit nga bang kailangan itago ang pagiging juan? MAy problema ba sa pagiging juan? hindi nyo ba kayang ipagsigawan sa mundo o khit ibulong nyo na lng sa mga sarili nyo na "AKO, AKO MISMO SI JUAN DELA CRUZ, PILIPINO AKO AT AKO ANG PERLAS NG SILANGAN!!!?"
Yan ang problema nating mga juan eh, kulang tayo sa pagmamahal at pagmamaliki sa sarili nating lahi. Hindi bibilib satin sina sam at joe kung tayo mismo di bilib sa pagiging juan natin.
" Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino,
Taas noo kahit kanino ,
Ang PILIPINO ay AKO....."
-jral-
No comments:
Post a Comment