Wednesday, April 7, 2010




Simula na ng summer classes ng pordee, at sa apat na wing ng pup main building ehh, sa west pakami napunta...tsk,tsk...samyong samyo mo ang amoy ng pasig dahil sa sandamukal na naglalanyuyang mga basura na kung tatalon ka dito eh sigurang patay ka hindi dahil sa pagkalunod kundi dahil sa milyong milyon germs at bacteria na papasukin ang katawan mo at tatalunin ang hukbo mo ng mga good bacteria sa katawan ...bwahahaha...

Pero kung tutuusin tayo pang tao ang dapat sisihin ng pasig dahil tayo ang sumira sa tubig at buhay ng pasig...tsk,tsk...tapon dito tapon doon...haiyy ang tao nga naman...

Pero teka,wait...

Kwento nga pala ng pordee ung ikukwento ko, at hindi ung galit at tampo ng pasig...bwahaha.. pero okay na din...haha.."bato-bato sa langit ang tamaan ay siguradong bukol ang abot mo!"...

Ito na talagah ung simula... W502 ang bagong room ng pordee..pero wala ring pinagbago... butas na bintana, mga sirang upuan at higit sa lahat eh iisa ang electric fan... tamang tama sa schedule ng klase ng pordee...12:00 noon hanggang 4:30 ng hapon...ang INIT!!!!!...weeew...

KLAS NO.1
RIZAL
PROF:MR. PURE ENERGY( pero hindi sya si garry V.)

-kung may sakit ka sa puso pinapayo ko sayo na umiwas sa klase nya..hahaha (pero magaling na prof to..sa tingin ko...promise)dahil siguradong madadala ka ng dating ng energy nya...tingin ko nga bote-botelya ng enervon ang tinutungga nya araw-araw...kaapo-apuhan ata to ni bonifacio dahil sa sobrang makabayan...at sa unang inkwentro namin..."gaano nyo kakilala si rizal bukod sa kanyang pagiging pambansang bayani?"...hahaha...buti na lng di ko sinulat sa papel na ako si rizal...(hahaha)... panong hindi ko sya makikilala....

KLAS NO.2
PHILOSOPHY WITH LOGIC AND CRITICAL REASONING
PROF:MR> PILOSOPO TASYO( literal yan )

-tanggal ang init sa katawan mo dahil sa kanya...kung hindi ka ba naman mahanginan sa kakatawa ng katabi mo eh(at pasukan ng hangin sa tyan) dahil sa mga joke nya eh...pero bukod sa joke... siguradong matututo ka ng maraming bagay sa kanya...hindi lng tungkol sa subject nya kundi maging sa kung anik-anik sa buhay.."he's the man"...hahaha...

1 comment: